John Gokongwei Jr. pumanaw na

Pumanaw na ang business tycoon na si John Gokongwei Jr. Sabado ng gabi sa edad na 93 anyos.

Ayon sa anak ni Gokongwei na si Lance, payapang pumanaw ang kanyang ama dakong 11:41 ng gabi.

“Our beloved husband, father and grandfather John Gokongwei Jr. passed away peacefully 1141 pm, November 9th at the Manila Doctor’s Hospital surrounded by his loved ones,” ani Lance Gokongwei.

Si Gokongwei ay ang pangatlong pinakamayaman sa bansa na ayon sa Forbes magazine ay may net worth na $5.3 billion para sa taong 2019.

Walang ibinigay na detalye ang pamilya sa dahilan ng pagyao ni Gokongwei.

Bago namatay ay naipasa na nito sa anak na si Lance ang pamamahala sa JG Summit Holdings.

Naulila ni Gokongwei ang asawa nitong si Elizabeth at mga anak na sina Lance, Robina, Liza, Faith, Hope at Marcia at kanyang mga apo.

 

Read more...