M3.2 naitala sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang Davao Occidental alas 1:21 Linggo ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa silangan ng Jose Abad Santos.

Tectonic ang origin ng pagyanig na may lalim na 9 kilometro.

Wala namang inaasahang aftershocks bunsod ng lindol.

Wala ring naitalang pinsala sa ari-arian matapos ang insidente.

 

Read more...