23 manggagawa na nag-strike sa planta ng pagkain sa Pasig arestado

Pasig City Police Station photo

Inaresto ang 23 katao na nag piket sa harap ng pangunahing planta ng Regent Foods Corp. sa Pasig City araw ng Sabado.

Ayon sa Eastern Police District (EPD), mahigit 50 miyembro ng unyon ng kumpanya ang dalawang linggo nang nag-strike.

May kaugnayan ang piket ng mga manggagawa sa umanoy hindi patas na labor practices at pag-atake sa Regent Foods Workers Union.

Hiling ng mga nag-strike ang umento sa sahod at maging regular ang mga contractual workers.

Una rito ay kinausap ni Pasig City Police chief Col. Moises Villaceran Jr. ang mga lider ng unyon at gwardya ng kumpanya.

Pero pag-alis ni Villaceran ay naging magulo ang mga nag-strike at nambato sa mga gwardya at maging mga miyembro ng City Disturbance Management na mula sa Philippine National Police (PNP).

Dahil sa kaguluhan ay nagkaroon ng dispersal at inaresto ang 23 na mga nag-strike.

 

Read more...