Sa panayam sa Senate reporters araw ng Sabado, sinabi ni Lacson na sa trabaho ni Robredo bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD), marami itong makakasalamuhang karakter lalo na sa pulisya kaya kailangan anyang laging mag-ingat ang pangalawang pangulo.
“What she got into, of course, there would be a lot of characters, especially within the police force. There’s a lot of different characters there. So, she should really watch her back all the time,” pahayag ng senador.
Dagdag payo ni Lacson kay VP Robredo, dapat na magkaroon ito ng sarili at mapagkakatiwalaang mga tao sa loob ng ICAD.
Sinabi ng senador na kailangang may mga tao si Robredo sa sektor ng law enforcement na magbibigay sa kanya ng intelligence information o magsasabi sa kanya ng kamalian ng mga otoridad.
“What I would suggest is that she should develop her own people who could be trusted — and it entails a lot of study… In the performance of her duty, she would know who are credible and trustworthy…She should just develop her own people within the law enforcement sector that can provide her with intelligence information or observe what is wrong with police officers who have lost their way,” ani Lacson.
Kaugnay naman ng pagtanggap ni Robredo sa hamon na sumama ito sa anti-drugs operation, sinabi ni Lacson na pwede itong makompromiso dahil nakasalalay ang seguridad ng pangalawang pangulo.