Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, ang mga pribadong sasakyan, mga taxi at Asian utility vehicles o AUVs ay bawal na yellow lanes sa EDSA dahil ito ay para lamang sa mga public utility buses o PUBs.
Sinabi ni Carlos na imomonitor ng MMDA at PNP-HPG ang implementasyon ng polisiya, partikular sa bahagi ng Shaw Boulevard sa Mandaluyong City papuntang Guadalupe sa Makati City.
Sa mga nabanggit na areas umano madalas ang matinding traffic congestion dahil sa mga pribadong sasakyan, mga taxi at iba pang sasakyan.
Ipinaliwanag naman ni Carlos na bagama’t public transport din ang mga taxi at AUVs, nagkasundo aniya ang EDSA technical working group na ang yellow lanes ay eksklusibo lamang para sa PUBs, dahil na rin sa pagiging ‘high occupancy vehicles’ ng mga ito.
Dagdag ni Carlos, asahan na umanong may plastic barriers sa EDSA, bilang separator para sa bus lanes at private vehicles.
Apela ng MMDA chairman sa mga motorista, sumunod sa bagong polisiya dahil layon nito na mapagaan ang daloy ng trapiko sa EDSA.
Ang mga lalabag sa yellow lane policy ay titiketan at pagmumultahin ng limang daang piso.