Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., mas makabubuti kung maghihinay-hinay ang mga mambabatas sa pagtutulak na mai-override ang veto ni Pnoy.
Gaya aniya ng naunang pahayag ni Presidente Aquino, bilang kasalukuyang tatay ng bansa, hindi niya dapat hayaang maging batas ang isang panukala na magdudulot lamang ng mas malaking problema para sa susunod na administrasyon.
Dagdag ni Coloma, importante para sa Aquino administrasyon na isaalang-alang ang epekto ng bawat desisyon para sa kinabukasan at interes ng nakararaming Pilipino.
Noong nakaraang linggo, na-veto ni Pangulong Aquino ang SSS pension increase bill na layon sanang pagkalooban ng 2000 pesos across-the-board increase ang buwang pensyon ng nasa 2.15 million pensioners.
Pero, mariing inalmahan ito ng ilang Mambabatas, kaya isinusulong ang pag-override sa President’s veto na nangangailangan ng 2/3 votes ng Senado at Kamara.