Pelikulang “Metamorphosis” na-reclassified ng MTRCB sa R-16 mula sa X-rating

Mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang “Metamorphosis” na binigyan ng X rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ayon sa direktor ng pelikula na si Jose Tiglao na-reclassified ng MTRCB ang pelikula matapos sumalang sa second review.

Mula sa X rating ay ginawa itong R-16 ng board.

Ang “Metamorphosis” ay tumatalakay sa isang teenager na ipinanganak na mayroong ari ng babae at lalaki na kung tawagin ay intersex.

Tiniyak naman ni direk Tiglao na bagamat binago ang rating ng kanyang pelikula, hindi inalis ang eksena na naunang napansin ng MTRB kaya nabigyan ng X rating.

Sa kanyang Twitter account, nag-post si Tiglao ng : “Nagtagumpay tayong palayain ang paruparo!

“Nagtagumpay tayong palayain ang paruparo! From X rating to R-16 (16yo above are allowed to watch the film)! And we promise you that NOTHING has been compromised– no shots or scenes have been cut. Maraming salamat sa lahat ng nag-ingay at narinig nila tayo! “ ayon pa sa post ni Tiglao.

Ang “Metamorphosis” ay isa sa walong pelikulang kalahok sa Cinema One Originals 2019 na nagsimula noong November 7 at tatagal hanggang November 17.

Read more...