Sa pahayag sa Inquirer ni Edward Emmanuel Yambao ng municipal disaster risk and reduction management office, nasa 10 hanggang 12 barangay na malapit sa baybaying dagat ang tinamaan ng tidal wave na may limang metro ang taas.
Aabot naman sa 50 bahay ang nagkaroon ng pinsala at nasa 58 motorized banca ang winasak ng hampas ng malaking alon.
Ang malaking alon ay dulot ng Bagyong Quiel.
Kinailangan namang lumikas mula sa kanilang bahay ng nasa 11,962 na residente na naapektuhan ng bagyo at pansamantalang nanirahan sa mga paaralan at barangal halls na ginawang evacuation center.
MOST READ
LATEST STORIES