Sinimulan na ng Department of Transportation and Communication (DOTC) ang pagsubok sa mga bagong bagon ng Metro Rail Transit Line 3 o MRT-3 na ipinadala ng China noong nakaraang Disyembre.
Personal na ininspeksiyon ni DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya ang mga bagong bagon na ipinuwesto sa riles ng MRT-3 Taft Avenue station kaninang umaga.
Mula sa Taft Avenue station sa Pasay City, ang mga bagong bagon at dadalhin sa depot ng MRT-3 at sa North Avenue station sa Quezon City para sa karagdagang tests.
Ayon kay Abaya, sasailalim sa 5,000 kilometer test run ang mga naturang bagon tren ng MRT-3.
Maging ang traction motors at brake systems ay susubukan rin hanggang sa susunod na buwan.
Ang mga bagong Light Rail Vehicles o LRV ay parte ng kabuuang 48 na bagon na inorder ng DOTC sa China noong 2013.
Binili ng gobyerno ang apatnapu’t walong LRV sa Dalian Locomotive and Rolling Stock sa China.