M3.6 na lindol yumanig sa Sarangani

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang bahagi ng Sarangani alas-12:39 Sabado ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 26 kilometro Timog-Silangan ng Kiamba.

May lalim ang pagyanig na tatlong kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naitala ng Instrumental Intensity I sa Kiamba, Sarangani at Tupi, South Cotabato.

Hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

 

Read more...