Idineklara ang state of calamity sa lalawigan ng Apayao araw ng Biyernes dahil sa malawakang pagbaha na dulot ng mga pag-ulan na dala ng Typhoon Quiel.
Nagsagawa ng special session ang Provincial Board sa pangunguna ni Vice Governor Remy Albano at napagdesisyonang isailalim ang Apayao sa state of calamity.
Kinumpirma ni Albano na dalawa na ang nasawi dahil sa mga pag-ulan.
Ang mga nasawi ay sina Provincial Board Member na si Butz Mangalao at Police Corporal Rommel Gumidam.
Namatay sina Mangalao at Gumidam matapos maguhuan ng lupa ang bahay na kanilang tinutuluyan sa bayan ng Kabugao.
Dadalo dapat ang dalawa sa isang assembly sa Brgy, Namaltogan.
Samantala, napaulat ding nawawala ang treasurer ng Brgy. Karagawan sa Kabugao.
Hindi pa alam ang halaga ng pinsala ng pag-ulan at pagbaha sa lalawigan dahil marami sa mga kalsada ang sarado bunsod ng lansdlides.
Putol din ang linya ng kuryente at komunikasyon sa malaking bahagi ng Apayao.
Â