Alas 2:00 ng hapon nang maabot ng bagyo ang typhoon category.
Sa 5pm weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 430 kilometers West ong Coron, Palawan.
Taglay na ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa
120 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong Southwest.
Ngayong araw hanggang bukas ng tanghali ang Typhoon Quiel ay maghahatid ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, Apayao at Ilocos Norte.
Mahina hanggang katamtaman na pag-ulan naman ang mararanasan sa Mindoro Provinces, Palawan, at Western Visayas.
Inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo mamayang gabi o bukas ng umaga.