Pagtaas ng halaga ng alak solusyon sa malakas na pag-inom ng mga Filipino – Sen. Pia Cayetano

File Photo

Gusto ni Senator Pia Cayetano na ang mga bagay na nakakasama sa kalusugan ng tao ay mataas ang presyo.

Ito aniya ang dahilan kaya’t itinutulak niya na madagdagan ang buwis sa mga nakakalasing na inumin.

Sinabi pa ni Cayetano na nakakaalarma na ang paglaganap ng bisyo ng paglalasing sa mga Filipino.

Ito ang iginiit ni Cayetano sa pakikipag debate niya para sa Senate Bill 1074, na layon madagdagan ang excise tax na nakapatong sa mga alak at electronic cigarettes.

Iginiit ng senadora na maging ang World Health Organization ay nababahala na sa malakas na konsumo ng mga nakakalasing na inumin hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Dito sa Pilipinas base sa 2018 Expanded National Nutrition Survey ng DOST, 55.7 porsyento ng mga adult Filipinos ay malakas ang konsumo sa alak.

Dagdag pa ng senadora may pag-aaral kung saan ikinukunsidera na mas mapanganib pa ang alak kumpara sa ilang droga.

Read more...