Elevator girl nahulog mula sa ika-limang palapag ng SM the Block

Nasawi ang isang babaeng operator ng elevator sa SM City The Block sa lungsod ng Quezon, makaraang mahulog mula sa ika-limang palapag ng gusali kahapon bandang alas siyete ng umaga.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), ang biktima ay kinilalan si Rea Librando, 25 anyos at residente ng Southville, Barangay San Isidro sa Rodriguez, Rizal.

Ayon sa ulat, binuksan ni Librando ang elevator nang mahulog ito mula sa ika-limang palapag.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang QCPD sa naturang insidente.

Inimbitahan ng mga imbestigador ng QCPD ang mga security guard at maintenance personnel na naka-duty nang mangyari ang aksidente upang makakuha ng mga karagdagang impormasyon.

 

Read more...