Ayon sa ulat ng The New York Times, naghahanda na ang 77-anyos na bilyunaryo ng kinakailangang mga dokumento para ideklara ang kanyang kandidatura at maging Democratic nominee sa estado ng Alabama.
Sa statement na inilabas ng advisor ni Bloomberg na si Howard Wolfson, nais nilang matiyak na matatalo si President Donald Trump.
“We now need to finish the job and ensure that Trump is defeated –- but Mike is increasingly concerned that the current field of candidates is not well positioned to do that,” ayon sa statement ni Wolfson.
Si Bloomberg ang co-founder at CEO ng media company na hango sa kanyang pangalan at isa sa pinaka-mayaman sa Estados Unidos.
Naging alkalde siya ng New York mula noong 2001 hanggang 2013.
Makikipagtagisan naman si Bloomberg sa 17 kandidato ng Democratic party.