Ika-50 Malasakit Center binuksan sa Baguio City

Mayroon na ring Malasakit Center sa Baguio City.

Kahapon araw ng Huwebes (Nov. 7) ay binuksan ang pang-50 Malasakit Center at ito ay sa Baguio General Hospital and Medical Center.

Pinangunahan ni Senator Bong Go ang launching kasama sina Mayor Benjie Magalong, Congressman Mark Go, at Vice Mayor Faustino Olowan.

Ang Malasakit Center sa Baguio City ang kauna-unahan sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Sa ngayon, mayroon nang kabuuang 22 Malasakit Center sa Luzon, 13 sa Visayas at 15 sa Mindanao.

 

Read more...