Hirit na 30-araw na extension para desisyonan ang Maguindanao Massacre pinayagan ng Korte Suprema

Pumayag ang Korte Suprema sa hirit ng hukom na humahawak sa Maguindanao Massacre case na dagdag na panahon para madesisyonan niya ang kaso.

Inihayag ito ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta matapos sumulat sa Korte Suprema si Quezon City Branch 221 Presiding Judge Jocelyn Solis-Reyes.

Sa nasabing liham, nais ni Reyes na mabigyan siya ng 30 araw pa ng Supreme Court para maibaba ang hatol sa kaso.

sa panayam kay Peralta sinabi nitong hindi naman siya nadidismaya na inabot na ng dekada ang kaso at hindi pa rin nadedesisyonan.

Ayon kay Peralta, ginawa naman ni Judge Solis-Reyes ang lahat para maibigay ang hjustisya sa pamilya ng mga biktima at kasabay nito ay ang pagtitiyak ng due process sa mga akusado.

Read more...