DSWD nagpaalala sa publiko na huwag magbigay ng limos sa kalsada

Inquirer File Photo
Ngayong papalapit na ang Kapaskuhan, umapela ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na huwag magbigay ng limos sa mga katutubo at bata sa mga lansangan.

Ipinaalala ng DSWD ang Presidential Decree No. 1563 o ang Anti-Mendicancy Law na nagbabawal sa pamamalimos o paghingi ng donasyon ng indibiduwal o grupo sa lansangan.

Ayon sa kagawaran may mga alternatibong paraan ng pagtulong tulad ng feeding sessions, organized gift giving at medical missions.

Dagdag pa ng DSWD,nalalagay kasi sa panganib ang kaligtasan ng mga naglilimos sa mga lansangan.

May mga programa, sa pakikipagtulungan ng LGUs, ang DSWD para sa mga batang lansangan at sa mga katutubo.

Read more...