6 na buwang gulang na sanggol nasawi sa dehydration sa evacuation center sa North Cotabato

Isang anim na buwang gulang na sanggol ang nasawi matapos ma-dehydrate habang siya at kaniyang pamilya ay nasa evacuation center sa Makilala, North Cotabato.

Ayon kay Municipal Health Officer Dr. Georgina Sorilla, ang sanggol na si Windcesz Arella Piala ay nagkaroon ng diarrhea.

Isinugod pa sa ospital ang bata pero idineklarang dead on arrival.

Ayon sa mga duktor na sumuri sa bata, severe diarrhea ang naranasan nito dahil sa kondisyon nila sa tents sa evacuation center sa Purok Lubi, New Bulatukan, Makilala.

Ani Sorilla, hindi pa rin sapat ang malinis na inuming tubig para sa mga evacuees.

Kasunod nito, pinayuhan ang mga evacuees partikular ang mga magulang na agad ipaalam sa mga health volunteer kung mayroong dadapuan ng sakit.

Read more...