Ito ay dahil sa mali umanong portrayal sa karakter na Lapu-Lapu na mistulang pambabastos sa legasiya nito.
Ayon kay Agusan del Norte 1st District Rep. Lawrence Fortun, dapat masusing i-review ng MTRCB ang pelikula na nakatakdang i-release sa January 2020.
Ginawang kontrabida si Lapu-Lapu sa nasabing pelikula at ayon kay Dortun hindi dapat payagan ng mga Filipino na kumalat ang kasinungalingan sa totoong naging gampanin ni Lapu-Lapu.
Itinuturing aniyang bayani si Lapu-Lapu at kinikilala ang tagumpay niya laban kay Ferdinand Magellan at mga sundalo nito.
Sinabi ni Fortun na dapat ding makuha ang opinyon ng mga eksperto sa kasaysayan ng bansa sa pag-review sa pelikula.
Una nang sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na nasa MTRCB na ang pasya kung papatawan ng ban ang pelikula.