Boac, Marinduque niyanig ng M3.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bayan ng Boac sa lalawigan ng Marinduque.

Naganap ang pagyanig alas 6:47 ng umaga ng Biyernes, November 8.

Ang epicenter ng lindol ay sa layong 30 kilometers southwest ng Boac.

12 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...