Reaksyon ito sa pagnanais umano ni Abe na magtungo sa Pyongyang para makipagpulong kay North Korean leader Kim Jong Un.
Nais rin umanong resolbahin ni Abe ang isyu ng pagdukot sa ilang Japanese nationals.
Sa komentaryo ng KCNA state news agency, tinawag nilang “idiot and villain” si Abe at ginagawa anilang malaking isyu ang ginagawang test-fire ng mga rocket launchers ng kanilang bansa.
Babala pa sa artikulo na hindi na dapat tangkain ng Japanese PM na tumuntong sa Pyongyang dahil sa pambabatikos nito sa Democratic People’s Republic of Korea, ang opisyal na pangalan ng North Korea.
Sa isang ulat ng Kyodo news agency, naghayag umano si Abe sa pagnanais niyang makausap si Kim Jong Un ng walang kundisyon at resolbahin ang pagdukot sa ilang Japanese nationals.
Binatikos din nito ang missile testing na ginagawa ng North Korea.