Naabo ang isang warehouse at isang bahay sa sunog na sumiklab sa Sitio Santo Niño, Barangay Inawayan, Cebu City, Huwebes ng gabi.
Ayon kay Senior Fire Officer 3 Hermes Molina, nagsimula ang sunog alas-7:29 sa warehouse na pagmamay-ari ni Alfredo Matiling.
Wala pang bente minuto ay kumalat agad ang apoy at nadamay na ang bahay na katabi ng warehouse na pagmamay-ari ng nanay ni Matiling.
Dahil dito, itinaas agad ang sunog sa ikalawang alarma.
Ayon kay Matiling, posibleng nagsimula ang sunog sa welding works na isinasagawa sa ikalawang palapag ng kanyang warehouse.
“Murag naay nag welding sa taas. Wa ko kahibaw kinsay basta kay murag maoy nakasugod sa sunog,” ani Matiling.
Dahil maraming rubber at caps sa warehouse na pawang flammable items ay naging mabilis ang pagkalat ng sunog.
Idineklara namang under control ang sunog alas-7:58 at patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ukol sa pinagmula nito.