Mga bagong PUV, magsisimula nang bumiyahe sa Nichols-PITx sa Nov. 11

Inilunsad ng Pasang Masda ang mga bagong modernong Public Utility Vehicles (PUVs), Huwebes ng umaga.

Isinagawa ang ceremonial turnover sa pangunguna ni Transportation Secretary Arthur Tugade katuwang si Pasang Masda President Ka Obet Martin.

Ininpeksyon ng dalawa ang mga PUV na mula sa Isuzu Philippines Corporation (IPC).

Sa kaniyang talumpati, nagsalamat si Tugade kay Martin dahil sa magandang paniniwala sa modernization program ng pamahalaan.

“Ibahagi ko sa inyong lahat ang aking paniniwala sa modernization program ng ating public vehicles. Ngayon, mapapahayag ko ang aking pasasalamat sa Pasang Masda, kay Ka Obet, na winawagayway at kinakalat sa buong kapuluan ang paniniwala nila sa modernization program. Ka Obet, Pasang Masda, maraming salamat,” ani Tugade.

Kasabay nito, nangako naman si Martin na patuloy na susuportahan ang naturang programa ng administrasyon para makapaghatid ng komportable pagbiyahe ng mga commuter.

“Wala pong ibang hangarin ang ating Pangulo kundi mabigyan ng maayos na serbisyo, mabigyan ng maayos na sasakyan ang ating mga kababayan ganun din po ang panuntunan ng ating Kalihim,” pahayag ni Martin.

Samantala, magsisimula ang bumiyahe ang mga bagong PUV sa ruta ng Nichols – Magallanes – Mall of Asia – Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx) at pabalik.

Ang mga Class 2 PUVs ay air-conditioned, may CCTV, Wi-Fi, GPS at side entrance.

Read more...