Ilang lalawigan sa Luzon, makararanas pa rin ng pag-ulan

Patuloy na makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Batay sa rainfall advisory ng PAGASA bandang 2:00 ng hapon, asahan ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Tarlac.

Kaparehong lagay ng panahon ang iiral sa Zambales at Bataan.

Inabisuhan ang publiko at mga Disaster Risk Reduction and Management Office na tutukan ang lagay ng panahon.

Antabayan ang susunod na abiso ng weather bureau bandang 5:00 ng hapon.

Read more...