Houston Rickets wagi kontra Warriors sa score na 129-112

Pinangunahan ni James Harden ang panalo ng Houston Rockets laban sa Golden State Warriors sa score na 129-112.

Nakapagtala ng double-double si Harden katuwang sina Clint Capela at P.J. Tucker sa unang arangkada ng engkwento.

Nakumpleto ni Harden ang game-high na 36 points at 13 assists.

Si Tucker naman ay nakagawa ng 22 points at 11 rebounds habang 19 points, 16 rebounds at 6 blocks ang naiambag ni Capela.

Malaki ang epekto sa Warriors ng pagkawala ng tatlong manlalaro na kinabibilangan nina Stephen Curry, Draymond Green at D’Angelo Russell sanhi ng injury.

Read more...