Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ginawa ng pangulo ang pahayag sa cabinet meeting Miyerkules ng gabi matapos ang presentation ng Natural Resources Development Corporation na isang attached Government Owned and Controlled Corporation ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Nais aniya ng pangulo na pagbawalan ang plastic dahil sa climate change.
Pero ayon kay Panelo, sinabi ng pangulo na nangangailanan ng legislative action ang kanyang planong plastic ban.
Ibig sabihin, kailangan munang bumalangkas ng bagong batas para maipatupad ang naturang plano.
MOST READ
LATEST STORIES