P6.8M na halaga ng shabu na itinago sa tea pack nakumpiska sa Parañaque City

Aabot sa P6.8 million na halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng mga otoridad sa buy-bust operation sa Parañaque City.

Ayon kay Brig. Gen. Nolasco Bathan, Southern Police District director, ikinasa ang operasyon laban sa suspek na si Bayan Ibrahim, 32 anyos.

Nakuha rin sa suspek ang cash, marked money, at cellphone na ginagamit niya sa pakikipagtransaksyon.

Nakakulong na ngayon sa Parañaque City police station ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...