Alas 7:30 ng umaga nang pagbabarilin ng nag-iisang gunman si Dindo Generoso habang lulan ng kanyang sasakyan sa Hibbard Avenue Bgy. Piapi at papasok sana sa kanyang programa dyEM 96.7 Bai Radio.
“Not again…We’ll create a special investigating team to look into this incident asap. The SOJ, as the chair of the PTFoMS created under AO no. 1, will issue the order creating the SIT. The NBI may be tapped to assist as circumstances may warrant,” Ayon kay DOJ Sec. Menardo Guevarra.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra na tumatayong chairman ng naturang Task Force on Media Security, maglalabas sila ng kautusan para sa pormal na paglikha ng Special Investigating Team sa kaso ni Generoso.
Plano ng kalihim na gamitin na rin ang NBI para tumulong sa gagawing imbestigasyon sa kaso kung kakailanganin.
Ayon sa National Union of Journalist of the Philippines o NUJP, si Generoso ang ikalawang mamahayag na napatay kasunod ng pagpatay sa radio broadcaster ding si Edmund Sestoso noong April 30, 2018 sa Dumaguete City.
Ayon sa Dumaguete City Police, nagtamo ng apat na bala sa katawan ang biktima.
Tumakbong mayor ng lungsod ang biktima noong 2016 pero natalo.
Blangko pa ang mga pulis sa tunay na motibo sa krimen.