Meralco may dagdag singil sa kuryente ngayong November

Tataas ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan ng Nobyembre.

Ayon sa Meralco, ito ay dahil sa pagtaas ng halaga ng kuryente sa spot market.

Dalawang beses din na nagtaas ng yellow alert sa Luzon Grid bunsod ng manipis na reserba ng kuryente.

Ang pagtaas ngayong November bill ay P0.47 kada kilowatt hour.

Katumbas ito ng P94 para sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan.

P141 kung anong konsumo ay 300 kilowatt hour kada buwan.

P188 na dagdag sa bill para sa mga kumokonsumo ng 400 kilowatt hour kada buwan.

At P235 naman ang dagdag sa bill kung ang konsumo ay 500 kilowatt hour kada buwan.

Read more...