Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, natuwa ang pangulo sa cabinet meeting kagabi nang malaman ang desisyon ni Robredo.
Umaasa aniya ang pangulo na ngayong drug czar na si Robredo, makikita na nito ang totoong sitwasyon sa grounds, partikular na ang posisyon ng pamahalaan kontra sa extrajudicial o state sponsored killings.
Sinabi pa ni Panelo na umaasa ang pangulo na maiintindihan ni Robredo na nangyayari ang patayan dahil sa nanlalaban ang mga ahente ng nasa ilegal na droga.
Pagtitiyak ni Panelo, ibibigay ng administrasyon ang buong suporta kay Robredo para mapagtagumpayan ang kampanya kontra sa ilegal na droga.