Ikinasa ang meat inspection sa naturang palengke bilang bahagi ng safety measures ng citg government laban sa African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Dr. Arnulfo Perez, Acting Provincial Veterinarian, nakakumpiska nila ang 138 kilos na imported frozen meat na galing pa sa The Netherlands.
Ang nasabing mga imported frozen meat ay ibinaon agad upang maiwasan ang paglaganap ng ASF sa probinsya ng Cagayan.
Ayon pa kay Dr. Perez, regular na nagsasagawa ng inspeksyon sa mga pampublikong pamilihan ang PVO at NMIS upang mapaigting ang kanilang monitoring sa pagpasok ng mga karne lalo na sa mga frozen meat at de lata na galing sa ibang bansa.
Naghigpit sa entry at exit points sa Regiom II upang masiguro na walang makakapasok na karne na may dalang ASF at masusi na ini-inspeksyonan ang mga pampublikong sasakyan na bumibiyahe.
Hinimok din ni Perez ang publiko na ipaalam agad sa kaniyang tanggapan kung may nagpupuslit ng mga imported meat sa kanilang lugar lalo na sa mga pampublikong palengke.