Sa 11am weather bulletin ng PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa layong 360 km West Northwest ng Coron, Palawan.
Taglay na nito ang lakas ng hangin na aabot sa 95 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 115 kilometers bawat oras.
Nananatiling mabagal ang kilos ng bagyo.
Ngayong araw hanggang bukas ng umaga ay makararanas ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang Cagayan kabilang ang Babuyan Islands at Apayao.
Light to moderate na pag-ulan ang mararanasan sa Kalinga, Apayao, Ilocos Norte, Zambales, Bataan, Palawan, Mindoro Provinces, Antique, Iloilo at Guimaras.
Ayon sa PAGASA, lalakas pa at magiging isang typhoon ang bagyo sa susunod na 48 oras.