VP Robredo ipatatawag ni Pangulong Duterte para sa isang pulong

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea na imbitahan si Vice President Leni Robredo para sa isang meeting sa Malakanyang.

Pahayag ito ng palasyo matapos tanggapin ni Robredo ang pagiging co-chairperson ng inter-agency committee on anti illegal drugs.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ginawa ng pangulo ang utos kay Medialdea Miyerkules (Nov. 6) ng gabi sa cabinet meeting sa Malakanyang.

Sinabi pa aniya ng pangulo na iimbitahan na rin niya si Robredo sa mga susunod na cabinet meeting.

Mahalaga kasi aniya na magkausap ang dalawa para malaman ni Robredo ang sasaklawing kapangyarihan sa pagiging co chairman ng I-CAD.

Read more...