Kinilala ang suspek sa alyas na “Mang” na matapos madakip ay kinumpirma sa mga otoridad na may mga pampasabog sa isang safehouse sa Barangay Paligue.
Nang puntahan ng mga sundalo ay nakita sa safehouse ang aabot sa 16 na pipe bombs.
Ang operasyon ay follow up sa nangyaring engkwentro sa Indanan na ikinasawi ng dalawang dayuhan at isang local na terorista sa Barangay Kan Islam.
Binati naman ni Lieutenant General Macairog Alberto, commander ng Philippine Army ang Joint Task Force Sulu sa tagumpay na counterterrorism efforts.
MOST READ
LATEST STORIES