WATCH: Dayuhang terorista na nasa bansa aabot sa halos 100 – Prof. Banlaoi

Aabot sa halos 100 dayuhang terrorist fighters ang nasa bansa ngayon.

Ayon kay National security and international studies expert Prof. Rommel Banlaoi, sa kanilang pag-aaral halos 100 ang dayuhang terorista sa bansa.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Banlaoi na sa nasabing bilang, 40 ang nag-ooperate at pawang nasa ilalim ng watchlist ng government forces.

Mayroon ding halos 10 ang target ngayon ng hot pursuit operations ng militar at ng pulisya.

Umaasa si Banlaoi na mas mababa kumpara sa kanilang naging pag-aaral ang totoong bilang ng dayuhang terorista sa bansa.

Pero ani Banlaoi mayroon silang datos at may mga hawak silang ebidensyang magpapatunay ng pag-aaral.

Read more...