Sa update mula sa Department of Social Welfare and Development, ang nasabing bilang ay nasa 47 evacuation centers sa Davao Del Sur at North Cotabato.
Maliban dito, mayroong 8,789 na pamilya o 43,945 na katao ang pansamantala namang nakikitira sa kanilang mga kaanak o kaibigan.
Sa datos ng DSWD, umabot sa 50,930 na pamilya o 254,473 na indibidwal ang naapektuhan ng magkakasunod na pagyanig sa 274 na barangay sa dalawang rehiyon sa Mindanao.
Nakapagtala ang DSWD ng 34,523 na napinsalang mga bahay – sa nasabing bilang, 22,559 ang totally damaged habang 11,964 ang partially damaged.
Ayon sa DSWD, nakapag-abot na ng P22.6 million na halaga ng tulong ang pamahalaan sa mga naapektuhang pamilya.