Water level ng Angat dam bahagyang nadagdagan

By Dona Dominguez-Cargullo November 07, 2019 - 07:23 AM

Nadagdagan ng bahagya sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa update ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ng Huwebes (Nov. 17) ay nasa 188.37 meters ang antas ng tubig sa Angat dam.

Tumaas ng bahagya kumpara sa 188.34 meters kahapon ng umaga.

Nadagdagan din ang water level ng Ipo dam na nasa 100.92 meters. Gayundin ang La Mesa dam na nasa 77.44 meters.

Nadagdagan din ang water level sa Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Magat dams.

Habang kapwa nabawasan naman ang water level sa Binga at Caliraya dams.

TAGS: Angat Dam, dam status, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level, Water supply, Angat Dam, dam status, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.