P10M tulong sa mga nasalanta ng lindol sa Mindanao ibibigay ng PCSO

Magbibigay ng P10 milyon ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao.

Ang North Cotabato ay tatanggap ng P6 million at P100,000 na halaga ng mga gamot habang ang Davao del Sur naman ay tatanggap ng P4 million at P100, 000 na halaga ng mga gamot.

Si PCSO general manager Royina Garma ang personal na maghahatid ng tulong sa mga lokal na pamahalaan ngayong araw, November 7, 2019.

Ang P4 milyon tulong sa North Cotabato ay hahatiin sa mga lokal na pamahalaan ng Kidapawan City (P1 million); Magpet (P1 million); Tulunan (P1 million); at Makilala (P3 million).

Gayundin sa Davao del Sur na hahatiin din sa mga lokal na pamahalaan ng Digos City (P1 million); Matanao (P1 million); Bansalan (P1 million); at Magsaysay (P1 million).

Ayon sa PSCO, mas malaki ang tulong sa Makilala dahil matindi ang pinsala na natamo nito sa nagdaang lindol.

Ang donasyon ay mula sa Charity Fund ng PCSO.

Read more...