Ito ay halos higit isang linggo lamang matapos mapatay ang terorista sa raid na ikinasa ng US special forces.
Pinaniniwalaang apat ang asawa ni al-Baghdadi, bagay na pinapayagan sa ilalim ng Islamic law.
Una nang inanunsyo ni US Secretary of State Mike Pompeo na dalawa sa asawa ni al-Baghdadi ang napatay sa raid.
Sa talumpati sa Ankara University, sinabi ni Erdogan na nahuli nila ang isang asawa nito, maging ang kapatid na babae at brother-in-law sa Syria.
“The United States said Baghdadi killed himself in a tunnel. They started a communication campaign about this. But, I am announcing it here for the first time: we captured his wife and didn’t make a fuss like them. Similarly, we also captured his sister and brother-in-law in Syria,” ani Erdogan.
Napaulat na naganap ang pag-aresto araw ng Lunes sa bahagi ng Aleppo province na nasa hurisdiksyon ng Turkey.
Ang kapatid na babae ni al-Baghdadi ay nakilalang si Rasmiya Awad at hinihinala ring may kaugnayan sa ISIS.
Itinuturing ngayong ‘gold mine’ ang pagkakaaresto kay Awad at halimbawa umano ito ng matagumpay na counter-terrorism operations.