LOOK: Mga kanseladong flight sa NAIA

Kinansela ang ilang biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), araw ng Miyerkules (November 6).

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), ito ay bunsod ng nararanasang masamang lagay ng panahon.

Apektado ang dalawang flight ng Skyjet sa NAIA Terminal 4:
M8 911 na biyaheng Manila – San Vicente
M8 912 na biyaheng San Vicente – Manila

Inabisuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng kanilang pamasahe.

Read more...