Magpapatupad ng stop-and-go scheme ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa EDSA para sa idaraos na 30th Southeast Asian (SEA) Games.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni MMDA chairman Danilo Lim, pansamantalang ihihinto ang trapiko sa ilang pangunahing lansangan at intersection para bigyang-daan ang convoy ng mga sasakyan ng mga delegadong dadalo sa SEA Games.
Narito ang mga kalsada na maaapektuhan ng stop-and-go traffic scheme:
Sa northbound:
– Roxas Boulevard
– Taft Avenue
– Ayala
– Buendia
– Shaw Boulevard
– Megamall
– Santolan
– SM North
– Munoz
– Balintawak
Sa southbound:
– Balintawak
– Munoz
– SM North
– Cubao
– Santolan
– Ortigas
– Shaw Boulevard
– Boni Serrano
– Buendia corner Macapagal
– Ayala Magallanes
– Roxas Boulevard
Idadaan ang convoy sa yellow lane, flyover at underpass sa EDSA.
Magtatalaga rin ang MMDA ng chokepoints sa mga sumusunod:
Sa SLEX northbound:
– Mindanao Avenue- North Ave hanggang NLEX sa Quezon City
– Roxas Blvd corner Buendia
– Roxas Blvd corner P. Ocampo
– Roxas Blvd P. Burgos
– Taft Avenue corner P. Ocampo
– Adriatico RMSC Area
– Quirino corner Adriatico
Sa Maynila
– Shaw Boulevard corner Pioneer sa Pasig City
– N. Domingo-FilOil sa San Juan City
Taguig:
– Lawton Avenue corner Bayani Road
Samantala, magpapakalat ang MMDA ng mahigit 2,000 tauhan para umasiste sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila para sa sports competition.
Sinabi pa ni Lim na magde-deploy din ng mga motorsiklo at mobile car escorts, ambulansya, tow trucks at tututok sa road activities.
Sa araw ng Linggo (November 10), magsisimula naman ang clearing operations para linisin mula sa mga harang ang ruta ng mga delegado katuwang ang Philippine National Police (PNP) at lokal na pamahalaan.