Ayon kay Mayor Belmonte, marami silang natatanggap na reklamo sa terminal na nagsasakay at nagbaba ng pasahero na nagdudulot ng pagsisikip ng daloy ng trapiko.
At nang kanilang suriin ang mga papeles ng terminal, lumalabas na walang permit ang nasabing terminal sa North Ave., bagkus ang ipinapakitang permit ay permit ng isang terminal nito sa EDSA Cubao.
Dahil dito lumalabas ayon kay Belmonte na peke ang mga permit na hawak ng terminal, at malinaw umano ito na isang pangloloko.
Maliban sa pagsasara ng terminal, plano rin ng QC government magsampa ng kaso laban sa pamunuan ng Baliwag dahil umano sa pamemeke ng dokumento.
READ NEXT
Panukala para mabigyan ng P25K ang bawat mahihirap na sanggol na kanilang magagamit pagsapit ng edad na 18, lusot na sa komite ng Kamara
MOST READ
LATEST STORIES