Bagong record sa Guinness target ng kongresista ng SJDM, Bulacan

Dalawang taon na ang nakakaraan ay isang pambihinrang karangalan ang ipinagkaloob ng San Jose Del Montel City hindi lamang sa probinsya ng Bulacan kundi sa buong bansa.

Sa papamagitan ng pinakamalaking parade ng mga parol o lantern, iginawad ng Guinness Book of World Record ang karangalan bilang record holder ng Largest Lantern Parade sa buong mundo.

Muli sa pangalawang pagkakataon ay tatangkain ng SJDM City sa pangunguna ni Congresswoman Rida Robes na masungkit ang record ng Guinness para sa “Living Nativity” na ang record ay kasalukuyang hawak ng United Kingdom.

“We’ll gonna join the Guinness World of Book Records again, yung Living Nativity. Nung two years ago we won, yung sa Largest Lantern Parade. Ngayon we’re eyeing to win again. Matatalo natin ang UK. All over the Phillippines and all over the world. This is going to be on Dec. 20,” ayon sa kongresista.

Samantala, isang malaking karangalan para kay Cong. Robes na ikumpara sila ng kanyang asawang si Mayor Robes sa kilalang celebrity tandem at politician na sina Ormoc City Mayor Richard Gomez at Congresswoman Lucy Torres.

“Syempre we’re happy. We’re happy at the same time it’s also our pride. Kasi unang-una kaibigan naman namin sila Mayor Goma and of course si Ninang Lucy. Because Ninang Lucy is the godmother of my bunso. So in terms of relationship we are really friends.” Dagdag o ani Robes.

Read more...