LOOK: Bahagi ng Manila North Road sa Cagayan sarado sa mga motorista dahil sa landslide

Sarado sa mga motorista ang bahagi ng Manila North Road sa bayan ng Sta. Praxedes sa lalawigan ng Cagayan.

Sa abiso ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nakapagtala ng landslide sa bahagi ng naturang kalsada sa Cadcadir-Kabugao Road.

Ito ay bunsod ng patuloy na pag-ulan na nararanasan sa maraming bayan sa Cagayan simula pa noong Lunes.

Nagpapatuloy pa ang clearing operations ng mga tauhan ng DPWH sa lugar na apektado ng landslide.

Read more...