Ayon kay AFP Western Command Chief, Lt. Gen. Cirilito Sobejana, inatasan na niya ang lahat ng Joint Task Force na nasa ilalim ng Westmincom na paigtingin ang mga ipinatutupad na seguridad.
Ito ay para mapigilan ang anumang banta o pagganti ng teroristang grupo kasunod ng pagkasawi ng kanilang mga kasamahan.
Sinabi ni Sobejana na ang mga nasawi sa Sulu, araw ng Martes (Nov. 5) ay pawang dayuhan na miyembro ng ASG sub-group sa ilalim ng pamumuno ni Hatib Sawadjaan.
Maari aniyang ang planong pag-atake ng naturang grupo ay may kaugnayan sa pagkasawi ng leader ng ISIS na si Abu Bakr al-Baghdadi.