WALANG PASOK: Nov. 6, 2019

Suspendido ang klase ngayong araw sa bayan ng Pamplona sa lalawigan ng Cagayan.

Ito ay dahil sa hindi magandang panahon na nararanasan sa naturang bayan.

Sakop ng suspensyon ang mga estudyante sa lahat ng antas, public at private.

Simula noong Lunes (Nov. 4) nakararanas na ng pag-ulan sa maraming bayan sa Cagayan kabilang ang Pamplona.

Marami nang barangay sa Pamplona ang binaha at nakapagtala pa ng landslide.

Sa Sitio Addetan sa Barangay Tupanna, isolated ang mga residente at hindi makatawid ng simula Martes (Nov. 5) dahil sa tubig-baha.

Read more...