Water level sa Angat dam muling nabawasan

Nabawasan sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa update mula sa PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong Miyerkules, Nov. 6 ay nasa 188.34 meters ang antas ng tubig sa Angat.

Ang Ipo dam naman ay nadagdagan ang water level at ngayon ay nasa 100.84 meters.

Wala namang pagbabago sa water level ng La Mesa dam na nananatili sa 77.42 meters.

Nadagdagan din ang water level sa San Roque, Pantabangan, at Magat dams.

Habang nabawasan naman ang Ambuklao, Binga at Caliraya dams.

Read more...