Governor Generoso, Davao Oriental niyanig ng M3.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang bayan ng Governor Generoso sa Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs naganap ang pagyanig alas 5:00 ng umaga ng Miyerkules, Nov. 6.

Ang epicenter ng lindol ay sa layong 99 kilometers southeast ng Governor Generoso.

May lalim na 28 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...