Ilang lalawigan sa Central at Southern Luzon uulanin sa susunod na mga oras

Uulanin sa susunod na mga oras ang ilang lalawugan sa Central at Southern Luzon.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA, alas 6:02 ng umaga ng Miyerkules (Nov. 6) moderate hanggang heavy na pag-ulan ang mararanasan sa Pampanga, Nueva Ecija at Laguna.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa San Jose at Capas sa Tarlac at sa Lucban at Burdeos sa Quezon.

Pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente na maging alerto sa posibleng pagbaha sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.

Read more...